top of page

Nakaka-excite talaga kapag ang PSEI tumatawid ulit above 6,000!

Apr 17
1 min read

Nakaka-excite talaga kapag ang PSEI tumatawid ulit above 6,000. Marami ang umaasa na ito na ang simula ng tuloy-tuloy na pag-akyat. Maganda naman talagang makita na green ang market.



Pero sa akin, mas excited pa rin ako sa SPX o S&P 500 Index kung saan ako naka-invest. Hindi lang dahil sa potential na mas malaki ang pagtaas, kundi dahil kapag bumagsak ang market, mas malaki rin ang chance na mas mabilis itong maka-recover. Mas malawak ang market, mas marami ang world-class companies, at mas malakas ang long-term growth drivers.


Sa investing, hindi lang dapat iniisip kung gaano kataas ang posibleng kitain. Importante rin kung gaano kabilis makakabangon kapag dumaan ulit sa correction o bear market. Kaya para sa long-term retirement investing, mas kampante ako sa SPX o S&P 500 Index dahil mas mataas ang probability ng recovery at growth over time.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page