top of page

P20M? Posible!

Updated: May 6

Kung naiintindihan mo ang power of compounding, sinamahan ng very long time horizon at disciplinadong regular investing, ang ₱20M retirement fund ay hindi imposible.

Ang problema, madalas tinitingnan lang natin ang laki ng number.

₱20M?

“Ang laki naman niyan!”

“Pang mayaman lang yan!”

“Hindi ko kaya yan!”


Pero kapag hindi mo alam ang prinsipyo sa likod nito, talagang mukhang imposible.

That’s why financial literacy is very important.


Hindi ko rin masisisi ang marami kung ngayon lang nila ito naiintindihan, dahil hindi naman ito tinuturo nang maayos sa school. Madalas, natutunan lang natin paano kumita ng pera, pero hindi kung paano ito palalaguin para sa future.


Kaya kung gusto mong magkaroon ng maayos na retirement, huwag mong hayaan na hanggang pangarap lang ito.

Mag-aral.

Magplano.

Magsimula.

Maging consistent.


Dahil minsan, ang akala nating imposible, kulang lang pala sa tamang kaalaman, tamang plano, at tamang disiplina.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page