Palengke at Stock Market
- retironaryo
- Apr 15
- 2 min read
Where do you buy your stocks?

Imagine dalawang palengke:
Palengke A — maliit, may 300 produkto
Palengke B — malaki, may 9,000 produkto
Parehong may tindang isda, gulay, karne, prutas. Pero dahil magkaiba ang laki ng palengke, magkaiba rin ang galaw ng presyo at oportunidad.
Ganyan din sa stock market. Hindi lang mahalaga kung anong stock ang bibilhin mo.
Mahalaga rin kung saang market ka bibili.
1. Number of choices
Sa Palengke A, kung konti lang ang produkto, limitado ang pagpipilian mo. Kapag mahal ang isda, baka wala kang magandang alternative.
Sa Palengke B, dahil 9,000 ang produkto, mas maraming pagkakataon na makahanap ng mas mura, mas sariwa, o mas sulit.
Sa stocks, mas malaking market means mas maraming companies na pagpipilian. Mas mataas ang chance na makahanap ng company na may great fundamentals at fair price.
2. Number of potential buyers
Kung mas maraming tao ang pumupunta sa Palengke B, mas mataas ang demand. Kapag maraming buyer ang may gusto sa isang produkto, mas may chance tumaas ang presyo.
Sa stocks, kung ang market ay dinadayo ng maraming investors around the world, mas maraming potential buyers ang pwedeng magpataas ng presyo ng magagandang companies.
3. Kapag pumangit ang quality ng produkto
Sa Palengke A, kung pumangit ang quality ng isang produkto pero konti lang ang alternative, baka bilhin pa rin ng tao kahit hindi na ganoon kaganda.
Sa Palengke B, kapag pumangit ang quality ng isang produkto, madaling lumipat ang buyers sa mas magandang alternative.
Sa stocks, kapag humina ang fundamentals ng isang company, mas madali kang makakalipat sa ibang mas magandang company kung mas malaki ang market.
4. Financial condition ng buyer
Kung konti lang ang buyers sa Palengke A at biglang humina ang kanilang budget, bababa ang demand at pwedeng bumagsak ang presyo.
Sa Palengke B, kahit may ibang buyers na humina ang budget, may iba pang buyers na papalit dahil mas malawak ang market.
Sa stocks, mas malaki ang market, mas maraming investors, institutions, and global buyers. Mas may liquidity at mas madaling bumili o magbenta.
Additional point: quality competition
Sa maliit na palengke, kahit average lang ang produkto, may bibili kasi limitado ang choices.
Sa malaking palengke, kailangang maganda ang quality ng produkto para pansinin ng buyers.
Sa stocks, larger markets often force companies to compete harder. Ang mga best companies usually attract more attention, more capital, and more investor confidence.
Bottom line:
Kapag bibili ka ng stock, hindi lang company ang tinitingnan. Tingnan mo rin ang market kung saan ito nakalista. Mas malaking market usually means more choices, more buyers, better liquidity, and more opportunities to find great companies at fair prices.
Where do you buy your stocks?



Comments