top of page

PART 1: Hindi sapat na “kumita” ang portfolio mo. Dapat alam mo kung papunta ito sa retirement goal mo.

Maraming investors ang nagre-review ng portfolio nila sa maling paraan.


Titingnan nila kung green or red.

Titingnan nila kung tinalo ba nila ang S&P 500, Nasdaq, PSEI, or ibang benchmark.

Tapos kapag hindi nila na-beat ang market, feeling nila talo na sila.


Pero sa tunay na retirement planning, hindi ito ang pinaka-importanteng tanong.


Ang mas mahalagang tanong:

“On track ba ang portfolio ko para maabot ang retirement fund na kailangan ko?”


Halimbawa, kung ang kailangan mong return para maabot ang retirement goal mo ay 10% per year, tapos ang portfolio mo ay kumikita ng 11% per year over time, then your portfolio is doing its job.


Kahit hindi mo na-beat ang Nasdaq.

Kahit may ibang investor na mas mataas ang return.

Kahit may nag-post sa Facebook na mas malaki ang kita niya.


Because investing is not a contest of who has the highest return.

It is a personal financial journey.


Ang goal ng portfolio mo ay hindi para magyabang.

Ang goal nito ay tulungan kang magkaroon ng sapat na retirement fund para hindi ka umasa sa anak, kamag-anak, o gobyerno pagtanda mo.


Kaya bago ka magtanong,

“Maganda ba ang performance ng portfolio ko?”


Tanungin mo muna:

“Ano ba ang required rate of return ko?”


Kung hindi mo alam ang required rate of return mo, mahirap malaman kung tama ba ang investment strategy mo.


Baka masyado kang conservative.

Baka kulang ang growth.

Baka sobra naman ang risk.

O baka naman on track ka na, pero pinapahirapan mo pa ang sarili mo kakahabol sa mas mataas na return.


Dito makakatulong ang The Retironaryo Ultimate Retirement Calculator.


Hindi lang nito tinatantiya kung magkano ang kailangan mong retirement fund.

Tinutulungan ka rin nitong makita kung anong return ang kailangan mo, gaano katagal dapat lumago ang pondo mo, at kung paano magagamit ang retirement fund mo hanggang sa expected life expectancy mo.


You can try it here:


Sa Retironaryo, lagi nating sinasabi:

Goal muna bago investment.

Number muna bago strategy.

Required rate of return muna bago pumili ng fund or stock.


Hindi ka dapat basta investing lang.

Dapat alam mo kung saan ka papunta.


Kung gusto mong gumawa ng mas detailed at personalized retirement plan, Retironaryo also offers retirement planning guidance, portfolio review, and practical stock investing mentoring.


You may visit Retironaryo.com and book a free 30-minute consultation so we can discuss how we may be able to help you.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page