People in Their 20s are the Best Candidates to Become MULTI-MILLIONAIRES at Retirement!
- retironaryo
- May 6
- 1 min read
People in their 20s have one of the greatest advantages in building wealth: TIME.
Sila ang may pinakamalaking chance na maging multi-millionaires by retirement, not necessarily because they earn more today, but because they have decades for their money to grow through the power of compounding.

Ang problema, karamihan sa edad na ito ay hindi pa iniisip ang retirement. Understandable naman—malayo pa, may ibang priorities, nagsisimula pa lang sa career, at mas exciting pag-usapan ang travel, gadgets, lifestyle, at enjoyment.
Pero ang hindi nila nakikita:
Every year na hindi sila nagsisimula, nawawala ang pinakamalakas nilang kakampi—oras.
Kahit maliit lang ang kaya mong i-invest ngayon, kung maaga kang nagsimula, malaki ang pwedeng maging resulta pagdating ng retirement. Hindi kailangang malaki agad. Ang kailangan ay magsimula, maging consistent, at matuto ng tamang strategy.
Kaya sa mga kabataan na maagang namulat sa financial literacy, investing, at retirement planning—congratulations! You are already ahead of many people.
Habang ang iba ay magsisimula lang mag-isip kapag 40s or 50s na, ikaw ay may pagkakataon nang hayaang magtrabaho ang pera mo habang bata ka pa.
Sa retirement planning, hindi lang pera ang puhunan. Ang pinaka-malaking puhunan mo ay TIME.



Comments