Peso Cost Averaging Ba o Hulaan ang Market?
- retironaryo
- May 12
- 2 min read
May nagtatanong: “Maganda pa rin ba mag-peso cost averaging sa ATRAM Global Technology Feeder Fund kahit mataas na ang growth? Mag-go-grow pa rin ba long term?”

Ang sagot: possible, pero hindi guaranteed. Kaya nga siya aggressive fund. Ang ATRAM Global Technology Feeder Fund ay nakatutok sa global companies na nakikinabang sa technology advances. Ibig sabihin, malaki ang potential growth, pero kasama rin diyan ang mataas na volatility.
Kaya delikado ang advice na:
“Sell muna ngayon, tapos buy ulit sa June-July, tapos tataas sa November.”
That is not peso cost averaging. That is market timing.
Kung may consistent seasonal pattern na siguradong uulit taon-taon, lahat ng fund managers, institutions, at professional traders gagawin na iyan. Pero in reality, market movement is affected by many things: interest rates, company earnings, valuation, inflation, recession fears, AI spending, currency movement, and global investor sentiment.
Hindi porke mataas na ang naging return ay bawal na bumili. At hindi rin porke bumaba ay automatic buying opportunity na. Ang tamang tanong ay hindi:
“Tataas ba siya next month?”
Ang tamang tanong ay:
“Pasok ba ito sa goal ko, time horizon ko, risk tolerance ko, at required rate of return ko?”
Kung ang pera mo ay kailangan mo in 1 to 3 years, baka hindi ito bagay. Pero kung long term ang goal mo, may emergency fund ka, tanggap mo ang volatility, at regular kang nag-iinvest for 5, 10, 15 years or more, then peso cost averaging can make sense.
Sa peso cost averaging, hindi mo hinuhulaan ang perfect entry. Minsan makakabili ka sa mataas, minsan sa mababa. Ang goal ay consistency. Ang goal ay magkaroon ng disiplina habang hinahayaan mong magtrabaho ang compounding over time.
Pero huwag ding all-in. Huwag FOMO. Huwag mag-invest dahil lang may nagsabing “buying period” or “selling period.” Gumamit ng plano, hindi hula.
Retironaryo reminder:
Kapag long term ang goal, discipline ang kailangan. Kapag short term ang galaw, hula ang kalaban.
Know your numbers first. Then choose the fund that fits your goal.



Comments