top of page

Retironaryo Challenge 2026 Update

Apat na buwan na ang lumipas sa Retironaryo Challenge 2026 — at 8 months to go bago matapos ang challenge sa December 2026.


Sa ngayon, 7 participants ang aktibong sumasali sa challenge (ako ang 8th participant), at lahat ay tuloy-tuloy na nag-iinvest ng ₱2,000 per month sa ATRAM Global Technology Feeder Fund.


Ang pinakaunang buy sa challenge ay na-execute noong January 23, 2026.


At heto ang magandang balita…

 As of May 8, 2026, ang buong group performance ay nasa 13.03% profit na

…sa loob pa lang ng mas mababa sa 4 na buwan.


Ibig sabihin, above target tayo so far.


Ang goal ng challenge ay hindi lang basta kumita. Mas mahalaga rito ang discipline, consistency, at tamang investing behavior. Ito ang gustong i-develop ng Retironaryo sa bawat participant—ang ugaling regular na mag-invest at manatiling committed sa long-term plan.

Lahat ng participants ay nagko-contribute ng ₱2,000 monthly at ang challenge ay may kasamang Retironaryo 10% Return Guarantee.


Paano gumagana ang Retironaryo 10% Return Guarantee?

Base sa mechanics ng challenge:

  • Total principal: ₱2,000 × 10 months = ₱20,000

  • Guaranteed minimum ending value by Dec. 31, 2026: ₱21,290.42


Ano ang ibig sabihin nito?

  • Kapag ang portfolio value mo by Dec. 31, 2026 ay mas mababa sa ₱21,290.42, Retironaryo will top up the difference sa iyong GCash or PayMaya wallet basta kumpleto ang proof ng 10 monthly buys.

  • Kapag ang portfolio value mo naman ay mas mataas sa ₱21,290.42, wala nang ibibigay na pera si Retironaryo.


At sa totoo lang, mas magandang balita iyon — dahil ibig sabihin, lumagpas tayo sa guaranteed target return.


Sa ngayon, iyon ang nangyayari.

13.03% profit na agad ang group in less than 4 months.


So far, malinaw na nasa tamang direksyon tayo.

Hindi pa tapos ang challenge. Mahaba-haba pa ang lalakbayin at pwede pang magbago ang market along the way. Pero ang importante, nagsisimula pa lang ang tunay na lesson:

  • Consistency beats pakiramdaman.

  • Discipline beats hype.

  • Long-term investing works when backed by action.


Sa mga participants, congratulations sa inyong commitment so far.

At sa mga sumusubaybay, ito ang patunay na ang maliit pero tuloy-tuloy na investing ay may pwedeng marating.


Retironaryo Challenge 2026 is still on track — and so far, we are above target.




Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page