Road to ₱25M Retirement Fund
- retironaryo
- May 6
- 2 min read
Kapag nagbu-build tayo ng retirement fund, hindi sapat na basta “hulog lang nang hulog.” Mahalaga rin na mino-monitor natin kung on target ba tayo o hindi.

Bakit? Kasi kung hindi mo sinusukat ang progress mo, paano mo malalaman kung kailangan mo nang mag-adjust?
Sa example na ito, si Nario ay nagsimula sa edad na 25.
Assumptions:
Age: 25
Retirement Age: 60
Time Horizon: 35 years
Monthly Investment: ₱5,000
Yearly Increase ng Contribution: 3%
Assumed CAGR: 10% per year
Kung consistent si Nario sa pag-iinvest at unti-unting tinataasan ang contribution taon-taon, ang projected retirement fund niya pagdating ng age 60 ay around:
₱25,080,311.72
Ang maganda sa table na ito, makikita niya taon-taon kung ano dapat ang approximate value ng kanyang retirement fund. Kung mas mababa siya sa target, puwede niyang i-review ang strategy. Baka kailangan dagdagan ang contribution, taasan ang rate of return ng investment vehicle, o ayusin ang asset allocation.
Kung mas mataas naman siya sa target, ibig sabihin may magandang progress siya—but still, hindi ibig sabihin na puwede na siyang maging kampante. Tuloy pa rin ang monitoring.
Ito ang kahalagahan ng retirement planning:
Hindi lang ito tungkol sa kung saan ka mag-iinvest.
Hindi lang ito tungkol sa magkano ang hulog mo.
Hindi lang ito tungkol sa mataas na return.
Ang mas importante ay alam mo ang goal, alam mo ang timeline, alam mo ang required rate of return, at alam mo kung on track ka ba.
Dahil sa retirement planning, hindi puwede ang bahala na.
Kung gusto mong magkaroon ng comfortable retirement, kailangan may plano, may disiplina, at may regular monitoring.
Note: The complete Retironaryo Retirement Calculator is FREE only for those who have availed our services and have attended our online courses.
Remember: What gets measured, gets managed.



Comments