“Scam ’yan pag sinabing kaya kumita ng more than 10% per year. Walang ganyang legitimate investment.”
- retironaryo
- Apr 8
- 1 min read
At totoo naman—dapat talagang maging alerto ka sa mga ganitong claims. Maraming manloloko ang gumagamit ng matatamis na pangako para makahuthot ng pera sa mga taong gustong umasenso.

Pero ito ang hindi naiintindihan ng iba:
Hindi porke mataas ang return, scam na agad.
Ang totoong tanong ay:
Paano kumikita ang investment na ’yan?
Legitimate ba ang negosyo o asset?
May historical basis ba ng performance?
Gets mo ba ang risk at paano ito hinahawakan?
Sa US stock market, ang average annual return na around 10% sa loob ng mahabang panahon ay hindi kathang-isip. Hindi ito guaranteed every year, pero normal itong nangyayari over 10 years or more. Ang 15% or more average annual return, mas mahirap makuha, pero posible pa rin para sa marunong pumili at may tamang strategy.
Ang problema kasi, maraming tao ang magaling kumontra pero hindi naman nagre-research. Pag may narinig na “10% return,” automatic scam agad ang tingin. Samantalang may mga legitimate investments na talagang kayang magbigay ng ganyang klase ng return sa long run.
Hindi ko ito sinasabi dahil nabasa ko lang sa libro o napanood sa YouTube.
Sinasabi ko ito dahil naranasan ko mismo.
Kaya bago mo tawaging scam ang isang investment, aralin mo muna.
At bago ka rin maniwala sa isang pangako ng mataas na kita, aralin mo rin muna.
Hindi lahat ng high return ay scam.
Pero hindi rin lahat ng high return ay totoo.
Ang sagot ay hindi takot.
Ang sagot ay tamang kaalaman.



Comments