“SCAM ‘yan! Walang legitimate investment na kayang magbigay ng 15% compound annual growth rate!”
- retironaryo
- May 5
- 1 min read
Updated: May 6
Talaga ba?
E paano kung ipakita ko sa’yo na may real fund na nag-deliver ng mas mataas pa riyan over a long period?

Ang ATRAM Global Technology Feeder Fund, na naka-invest sa Fidelity Funds – Global Technology Fund, ay may CAGR na 21.54% mula April 30, 2018 hanggang May 3, 2026.
Ibig sabihin, sa loob ng mahigit 8 taon, ang pondo ay lumago ng 377.02%.
At eto pa ang mas nakakagulat…
Kahit may trust fee itong 1.15% per year, na deducted na sa NAVPU, nakapag-generate pa rin ito ng napakataas na CAGR.
So ang performance na nakikita mo ay net na ng trust fee.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ibig sabihin, hindi imposible ang 12%, 15%, o even higher CAGR.
Pero hindi ibig sabihin nito na madali.
At lalong hindi ibig sabihin na guaranteed ito sa future.
Kaya kung gagamitin mo ang ganitong fund para sa retirement planning, huwag kang masyadong ma-excite sa historical return.
Mas mabuting gumamit ka lang ng 12% to 15% CAGR assumption para mas conservative at may safety margin ang projection mo.
Bottom line:
May mga investment vehicle na kayang magbigay ng mataas na long-term return.
Ang tanong ay hindi kung posible ba…
Ang tanong ay: handa ka bang intindihin ang volatility, mag-invest consistently, at manatili sa tamang strategy nang pangmatagalan?
So sa mga hindi pa “believers”…
Eto na ang senyales.
Learn more about the fund here:



Comments