Stock Market: Investment Platform o Casino?
- retironaryo
- May 6
- 1 min read
The stock market has never been more accessible than today.
Noon, akala ng marami, pang-mayaman lang ang stocks. Ngayon, halos kahit anong economic status sa buhay, puwede nang magbukas ng account at magsimulang mag-invest.

Pero may danger din ang accessibility.
Warren Buffett recently warned that many people are treating the market like gambling, comparing the current environment to a “church with a casino attached,” especially because of short-term speculation and one-day options trading.
At dito papasok ang tanong:
Ikaw ba ay nag-iinvest… o nagsusugal?
Nagsusugal ka kung bibili ka dahil:
“Trending ito.”
“Sabi sa group chat.”
“May hype sa TikTok.”
“Baka tumaas bukas.”
“May nag-post ng stock pick.”
“Gusto kong kumita agad.”
Pero nag-iinvest ka kung alam mo:
Ano ang goal mo.
Gaano katagal ang time horizon mo.
Ano ang intrinsic value or fair value ng binibili mo.
Kumusta ang fundamentals ng company.
Paano ito makakatulong sa retirement fund goal mo.
Kailan ka bibili, magdadagdag, magho-hold, o iiwas.
Same stock market. Different mindset.
Sa isang tao, casino ito.
Sa isang tao, wealth-building machine ito.
Ang difference?
Knowledge, discipline, strategy, and patience.
Hindi masama ang stock market.
Ang delikado ay ang pumasok dito na walang plano, walang aral, at puro emosyon ang gamit.
Kaya bago ka magtanong ng, “Anong magandang bilhin?”
Mas magandang itanong muna:
Para saan ba ang investment ko?
Gaano katagal ko ito hahawakan?
Alam ko ba ang binibili ko?
Investor ba ako… o gambler lang na naka-business attire?
Stock investing is not a get-rich-quick game.
It is a get-rich-slow-but-sure discipline—kung tama ang kaalaman at proseso.
Ikaw? Nagsusugal ka ba o nag-iinvest?



Comments