top of page

Taas Sahod Para sa mga Guro!

Updated: May 6

I support the proposal to increase the salary of teachers in the Philippines.

Mimi and I were teachers in our previous lives when we were still living in the Philippines. We personally experienced the struggle of having a low income. In fact, that was probably one of the reasons why we eventually decided to leave the Philippines — dahil ramdam namin ang kakulangan ng opportunities.


During that time, mababa pa ang aming financial literacy. Hindi pa namin alam ang tamang sistema ng pag-build ng emergency fund. Wala pa kaming alam sa investing. May kaunting ipon, pero kapag may unexpected expenses, halos nauubos din agad.


Tatlo na ang anak namin noon, at nag-aaral sila sa Montessori. Kinakapos paminsan-minsan, pero somehow, naitatawid pa rin. We had to manage what little we had. Mimi even tutored Korean students in English as a side hustle just to help with the family expenses.

Kapag binabalikan ko ang mga alaala, may mga pagkakataon sana na madali kaming makautang — sa SSS, sa credit card, o sa iba pang paraan. Pero hindi iyon nangyari. Hindi kami nabaon sa utang. We were able to survive because we tried our best to manage our budget.


Kaya naiintindihan ko ang hirap ng mga teachers.

Totoo, mababa ang sweldo. Totoo, maraming sakripisyo. Totoo, hindi sapat ang kinikita ng maraming guro kumpara sa bigat ng kanilang responsibilidad. Kaya dapat lang na itaas ang kanilang sahod.


Pero at the same time, hindi rin pwedeng sabihin na ang dahilan kung bakit maraming teachers ang nabaon sa utang ay dahil lang sa maliit ang sweldo.

Maliit ang sweldo — yes. Pero hindi lang ito problema ng teachers. Maraming tao, kahit mas malaki ang kita, ay nabaon din sa utang. Bakit? Dahil minsan, mas malakas ang kultura ng borrowing and spending kaysa saving and investing.


Kung tutuusin, mas malaki pa nga ang utang ng ibang mas mataas ang sweldo dahil mas madali silang ma-approve sa loans at credit cards. Mas marami silang access sa iba’t ibang klase ng utang — car loan, personal loan, housing loan, credit card, salary loan, at kung anu-ano pa. Pero kahit malaki ang income, kung kulang ang disiplina at financial literacy, puwede pa ring mauwi sa default at financial stress.


Kaya para sa akin, dalawang bagay ang kailangan:

Una, itaas ang sahod ng mga teachers. Deserve nila iyon.

Pangalawa, itaas din ang antas ng financial literacy — hindi lang ng teachers, kundi ng lahat ng Pilipino.


Dahil kahit gaano pa kataas ang sweldo, kung walang tamang sistema sa budgeting, saving, debt management, emergency fund building, at investing, mauuwi pa rin sa hirap ang tao.

Ang salary increase ay malaking tulong.

Pero ang financial literacy ang magtuturo kung paano gagamitin nang tama ang dagdag na kita.


Dapat sabay silang itulak.

Higher salary.

Better financial education.


Mas malaking chance na makaahon ang ating mga guro — hindi lang sa utang, kundi patungo sa mas maginhawang buhay.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page