top of page

When Dividends Cover Your Bills

Updated: Apr 29

Maganda pakinggan yung “dividends ang nagbabayad ng bills mo.”


Pero kung bata ka pa at nagbu-build ka pa lang ng retirement fund, hindi magandang habit na gamitin agad ang dividends pambayad ng bills.


Bakit?

Dahil kung ginamit mo ang dividends pambayad ng bills, pero kukuha ka rin naman ulit sa sweldo mo para bumili ng stocks at palakihin ang portfolio mo, paikot-ikot lang ang pera. Parang nilabas mo sa investment, tapos ibabalik mo rin. It does not make sense.


Mas practical na hayaan mong manatili at ma-reinvest ang dividends sa portfolio mo, habang ang regular expenses ay manggaling sa budget mo from salary.


Ang dividends ay bahagi ng return ng investment mo. Kapag kinuha mo agad ito at ginastos, binabawasan mo ang perang dapat sana ay magko-compound over many years.


Ang tamang time gamitin ang dividends pambayad ng bills ay kapag malaki na ang portfolio mo at nasa retirement stage ka na—or malapit ka na doon.


Habang bata ka pa, ang goal ay hindi “income now.”

Ang goal ay “bigger retirement fund later.”

Build first. Compound first. Enjoy later.


Retironaryo! Mag-retire tayong milyonaryo.


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page