Ano ang Best UITF Today?
Updated: May 6
Ang totoo, walang “best UITF” na pareho para sa lahat. Depende ito sa goal mo, time horizon, risk tolerance, at kung magkano ang kaya mong i-invest regularly.
The Retironaryo way is this: huwag muna magsimula sa product. Magsimula muna sa goal.
Para saan ba ang investment mo?

Kung emergency fund or short-term money, hindi bagay ang aggressive UITF. Mas bagay ang money market or low-risk fund.
Kung retirement fund at 10, 20, or 30 years pa ang horizon mo, mas may sense tingnan ang equity index feeder funds, especially those invested in global or US markets like S&P 500-type funds, dahil mas mataas ang long-term growth potential. Pero dapat ready ka sa volatility dahil may years talaga na bagsak ang market.
Kung mas aggressive ka at kaya mong tiisin ang mas malaking taas-baba, puwedeng pag-aralan ang technology or growth-focused feeder funds. Pero hindi ito para sa lahat.
So ang mas tamang tanong ay hindi “Ano ang best UITF today?”
Mas magandang tanong ay:
“Ano ang UITF na bagay sa goal ko, time horizon ko, at required rate of return ko?”



Comments